Nhicz Koshiishi penpen-bolpen:
Kaming mga Babae, Moody. Hindi sa lahat ng oras masaya kami, Hindi sa lahat ng oras eh malungkot kami o masungit. Minsan hindi maiwasan na paiba-iba kami ng moods. Pero kahit na paiba-iba kami ng moods eh sana maintindihan niyo parin kami. Kasi madalas hindi namin maiwasang maging ganito lalo na kapag meron kami. Alam niyo na, mahirap. Kaya sana intindihin niyo kami kasi kapag kayo nasa lagay namin iintindihin namin kayo kasi naranasan na namin ang malagay sa ganung sitwasyon.
Kaming mga Babae, Mabilis umasa. Hindi naman lahat, pero ‘yung iba lang. ‘Yung simpleng effort lang ng isang lalaki eh big deal na para samin. Effort kasi eh, Dahil sa simpleng effort na ‘yun pakiramdam namin espesyal kami. Oo kahit sabihin nating wala lang ‘yun, madalas samin may meaning ‘yun lalo na’t kung sobrang sweet ‘yung lalaki. Kaya hindi din namin maiwasan na simpleng sweet lang samin, eh fall kagad. Kasalan ba namin ‘yun?
Kaming mga Babae, Madalas nagpapakatanga. ‘Yung may mahal na nga ‘yung taong mahal pero nakukuha pang magpakatanga para sa taong hindi naman siya mahal. Gets mo? Pero madalas ganun kami. Ganun kami katanga para magpakatanga. Umaasa kasi kami na balang araw e mamahalin rin kami ng taong mahal namin. ‘Yung kahit sobra na kaming nasasaktan eh go parin. Mahal namin eh, kaya kahit ilang beses pang magpakatanga para sa taong mahal namin na may mahal namang iba eh ayos lang.
Kaming mga Babae, Madalas nagtatago ng totoong nararamdaman. Sabi nga ng iba, Read between the lines dapat. Madalas, Kapag sinabi naming okay lang kami eh, Hindi talaga kami okay. Kapag sinabi namin na bahala ka, Eh ibig sabihin nun eh huwag mo ng ituloy ang gagawin mo. Magaling kami magtago sa totoong nararamdaman namin, ‘Yung ngumingiti kami at tumatawa sa personal pero sa totoo lang eh hindi naman talaga kami masaya. Okay-okayan.
Kaming mga Babae, Walang ibang hinahangad kundi ang mahalin ng isang taong hindi kami iiwan at sasaktan. Simple lang naman ‘yun diba? Pero sa panahon ngayon mahirap na maghanap ng ganun. ‘Yung taong hindi ka sasaktan at iiwan, ‘Yung taong mamahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Mahirap na kasi maghanap ng ganun ngayon lalo na’t nagkalat na ang mga manloloko. Pero kahit ganun hindi parin kami nawawalan ng pag-asa kasi sa darating din ang araw na ‘yun at ‘yung taong ‘yun.
Kaming mga Babae, Hindi parating itsura lang ang tinitignan. Siguro para sa tingin ng ibang tao eh parating mukha ang unang tinitignan namin. ‘Yung parating nasa isip ng iba na porke’t gwapo eh inlove kagad kami. Well, sorry kasi nagkakamali kayo kasi hindi lahat ng babae ganun. Madalas ugali muna ang tinitignan namin. Siguro nga ‘yung iba ganun pero hindi lahat. Aanhin mo ang gwapong lalaki kung pangit naman ang ugali. Mas gugustuhin pa namin hindi ganun kagwapo pero ang ganda nung ugali. Mas nakaka-turn on. ♥
(Source: emcrazyforyou, via forgiveimyoung) Hindi ako NAGSESELOS sa mga BABAENG lumandi sayo! Dahil bukod sa alam kong ako ang MAHAL mo.. malaki ang tiwala ko sa MUKHA ko :)
| | ARCHIVE RANDOM RSS Mind if I could introduce myself for a minute? :P
My name is Nichole Shane Koshiishi. I was born in the Philippines. I'm 19 years old. I am a filipina w/ japanese blood.
-People don't notice that I'm a Filipina because I think I look quite Japanese,Korean or Chinese :))
HATES: Losing the one I love, break-up, insects, boastful person, plastic, judgmental person, flirt
MOTTO: "No Pain No Gain"
AMBITION: To be a professional singer/dancer or actress someday.
DREAM: To be an international actress someday, happy-family
INTERESTS: Listening to music, photography, sing, dance,Internet surfing
IDEAL BOYFRIEND: kind,sweet,not flirting someone, can make me smile/laugh ,funny, can sing & dance, great personality, cute
The one who:
- isn’t embarrassed to introduce me as his girlfriend to his friends,
- willing to do the craziest poses with me when taking a picture
- will do anything he can to comfort me when I’m feeling sad/down
- will share his secrets or be honest with me
- will catch me when I fall
- will get jealous when I’m with another guy but must know how to restrain himself   |